Ayan na. Magtatagalog nalang ako. Ngawit na ngawit na ako sa kaka english. Hanggang ngayon wala parin kaming bagong router. Nakakabadtrip na. Palagi nalang ako nakikigamit dito kay Kuya tapos ang sungit sungit pa niya paminsan minsan. Move on. Bagong layout nga pala, ang tagal ko na tong nagawa, kaso tinamad nga lang ako mag code. Kudos to foto_decadent@lj.com for the image and deviantart for the textures.
Ang saya ng week na to. Lumabas ang camwhore sides naming magkakaklase. Kaso, may problema kami sa teacher namin. Masyadong mabilis magturo, tapos puro examples lang binibigay. Nakakabanas na siya. Ewan. Haha. Basta. Tignan niyo nalang tong mga pictures. :D
L-R: Tricia, Pam, Ako, Axell, Nhelle, Jeh, at Arrian. Kalahati palang yan ng barkada namin.
Panda sign yan para sa “Jipen Oath”. :D
Omg. Hearts! Haha. xD
L-R: Nhelle, Axell, Tricia, Arrian at Ako. Parang nakasandal si Axell kay Nhelle. Huwaaat.
L-R: Tricia, Arrian At Ako. Sayang wala si Nhelle.
Harharhar. xD Sa camera yan ni nhelle. Tingin sa gilid! :D
Mas maraming picture sa multiply ko. :D Ano yung “Official Na”? Harharhar. Official Paparazzi na kami ni Nhelle! Haha. Ang babaw ko no?
Sa mga magpapapalit ng links, paki message agad ako sa ym ko. Habang may oras pa. Haha. Mamaya magsisimba pa ako. BLEH. Sana wag masunog. Harhar. Sana makasama ako next week sa Gateway. Kailangan ko makagala. Hanggang dito na lang muna. Tata~
Date: July 6, 2008 Time: 6:48 pm
aww i miss high school days
glad you had fun
and ohh,,,official paparazzi
can i hire you???lol
hope you can have router soon….
muaaahhhh